
“Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka at gusto mong tumulong. Pero wag mong kakalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka…hindi ikaw ang magiging huli…hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan yon para mawalan ka ng pag-asa at tumigil sa pagbibigay nito.”
Bob Ong’s Official Announcement for ‘Kapitan Sino’
<.-.> Para sa kapakanan ng mga mambabasa mong naghintay sa bagong libro, pwede mo bang sabihin sa amin kung tungkol saan ang Paboritong Libro ni Hudas?
<BO> Kapitan Sino.
<.-.> Ah, oo, Kapitan Sino pala. Hehe. Ang ganda-ganda kasi ng Paboritong Libro ni Hudas. Yon ang paborito ko sa mga libro mo e. Hindi dahil sa nandoon ako, pero marami talagang nagsasabi na maganda yung Paboritong–
<BO> Ahem, um, ang Kapitan Sino ay tungkol kay Rogelio Manglicmot na nakilala ng mga tao bilang isang superhero sa katauhan ni Kapitan Sino.
<.-.> Ang haba ng pangalan! Para sakin mas gusto ko pa rin yung mga isinulat mong tauhan na five characters lang ang pangalan, yung simple lang, yung parang puro punctuation mark lang….
<BO> Ah, magugustuhan mo si Bok-bok, kasi may punctuation mark din ang pangalan nya!
<.-.> Sino naman yun?
<BO> Kaibigan ni Rogelio. Marami kang makikilala sa mundo ni Kapitan Sino.
<.-.> Pati si Tesla?
<BO> Si Tessa. Pero tama ka, dahil kinuha ko ang pangalan nya kay Nikola Tesla. Isa sa pinakamagaling, kundi man ang pinakamagaling, na electrical engineer sa kasaysayan, pero kaawa-awang naagawan ng maraming imbensyon.
<.-.> Hindi ba si Tessa ang nagpatagal ng ika-pitong libro?
<BO> Nagkakahiyaan kasi sila ni Rogelio. Nahirapan tuloy akong magsulat ng kwentuhan nila. Yung iba ngang usapan, hindi na nila ipinasulat sa akin.
<.-.> Kaya ba isang buong araw kang nakinig ng mga senti?
<BO> Hehehe. Higit pa. Paulit-ulit-ulit akong nakinig ng mga love song, kasama na yung kanta ni Carole King, nang ilang linggo habang isinusulat ang tagpo nila. Pilit din akong nanood ng romantic movies pandagdag inspirasyon, at nagpaturo sa romance novel writer na dating miyembro ng Bobong Pinoy YahooGroup. Ewan kung pasado na ang gawa ko.
<.-.> Totoo bang lumang superhero si Kapitan Sino?
<BO> Hindi. Sya ang pinakabagong superhero…noon.
<.-.> 80’s? Ibinalik mo ba ang oras sa Dekada Otsenta?
<BO> Oo, kaya mas akma ang kwento sa mga 27 years old pataas. Baka merong mga hindi gaanong maintindihang detalye ang mga mas batang mambabasa. Makakatulong kung meron silang mapagtatanungang matanda.
<.-.> Hmmm… mukhang interesante itong ika-walong libro.
<BO> Ika-pito. Pero tama ka ulit, dahil may mauuna pa dapat akong libro dito, kundi lang nakiusap si Mayor na paunahin ko na sila.
<.-.> May Mayor? Matatapatan ba nito ang dami ng celebrity sa Paboritong Libro ni Hudas?
<BO> Tinutukoy mo ba sila Donita Rose, Marvin Agustin, at Tootsie Guevarra na nasa ikatlong libro? Ikinalulungkot ko, pero mas hitik at nag-uumapaw sa mga celebrity ang Kapitan Sino.
<.-.> Pero hindi mo maitatangging ako ang pinakasikat mong celebrity dahil lumabas ako sa dalawang libro!
<BO> Tama. Lumabas ka sa itim at puting libro. Pero may iba pa kong tauhan na lumabas din ulit dito sa Kapitan Sino.
<.-.> Huh?! Hindi mo ko pinasasaya sa mga sagot mo, Bob Ong! At bakit ako magkaka-interes kay Kapitan Sino kung nung 80’s pa ang adventure nya?
<BO> Kung itatanong mo yan pagkatapos magbasa, hindi mo naintindihan ang libro.
<.-.> Saan ba ko kukuha ng kopya?
<BO> Unti-unti na pong nagkakaroon ngayon ang mga paborito nyong eatery o sari-sari store. Kung wala pa, baka naubusan lang kayo. Subukan nyo ulit sa ibang araw.
<.-.> Magkano ba?
<BO> 75 pesos lang po…kung panahon ni Cory Aquino! Pero dahil 2009 na, P175.00 po ang isa.
<.-.> Matagal-tagal bago nasundan ang Macarthur.
<BO> Ito ang pinakamatagal na agwat ng pagsusulat ko. Pero natapos din ang libro, salamat sa inspirasyon mula sa mga mambabasang tagapagpalakas ng loob at umaasang laging masusundan pa ang huling librong nabasa nila. Dahil sa simpleng hiling nila na laging masabihan kagad kung may bago na silang mababasa kaya ginagamit na naman kita ngayon para sa official announcement.
<.-.> Sanay na ko. Alam ko kailangan mo ng celebrity endorser para sa Kapitan Sino. Idagdag mo na lang sa talent fee ko yung t-shirt ng officialuse.net.
<BO> Punta ka sa Komikon sa UP sa Sabado, May 16. Meron doong mga t-shirt ni Bob Ong. Mura lang dahil hindi ka na magbabayad ng shipping fee. Pagkakataon mo na!
<.-.> Aba, talagang double-purpose ang patalastas ah! May Swine Flu ka pa sa lagay na yan.
<BO> Sipon lang.
<.-.> Sa susunod mong libro wag kang gagawa ng announcement pag may sipon ka, kasi lalong kumo-corny.
<BO> Sige, susubukan ko. Salamat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~`
My two-cent’s worth…
Released around mid-May 2009, Bob Ong’s 7th and latest book, “Kapitan Sino” stars Rogelio Manglicmot – an ordinary guy who works in his own small electronics repair shop and discovers his unique abilities when a light bulb remains lit above his head and a soldering gun still works in his hand during a black-out in their neighborhood.
With a little assistance and moral support from his childhood friends Bok-bok and Tessa, he decides to put his superpowers in good use and fights heinous criminals, dreadful robots, giant gorillas, even man-made monsters, wearing his superhero costume – an egg-shape helmet and a silver body suit matched with a pair of Chuck Taylor shoes.
Rogelio is aware that being a superhero is not an easy route to take, but he feels responsible to protect the people in need and help those who cannot help themselves.
So how does one become a hero and what does it take to be one? Skillfully, Bob Ong writes a novel that makes us laugh, smile and ponder at every intricacy and repercussions of being a hero. Every page reflects imagery of real Filipino life – poverty, polluted politics, stupid law enforcers, corruption, political propagandas or even gossiping neighbors.
You’ll laugh at familiar situations like:
- Two neighbors, with OFW hubbies, on a competition as to who’s got the best appliances inside their household
- Planned community projects that are never acted on
- Kapitan Sino saves a train – among the passengers, a wife finds her husband with another woman and Kapitan Sino gets blamed for ensuing domestic argument
- Awarding of a cash prize for Kapitan Sino and a number of Kapitan Sino pretenders show up to claim it
- Police officers who put Kapitan Sino in jail for creating a public commotion when he saves his neighbors from a drunk man who threatens people’s lives with a grenade
Bob Ong captures the depth of the Filipino culture and conveys it in the most entertaining way possible. His comic descriptions of the events and the characters are spot-on and embarrassingly personal. His careful and evocative use of words gives vim and vigor to society’s concealed mediocrity. The subject is very in time especially that Philippine politics are on heat nowadays and 2010 Elections is coming…
This Silver Book is a sweet reminder that even without superpowers and extraordinary abilities, everyone is capable of being a superhero in our own way. Each one of us can HELP save lives… we can INITIATE a positive change… we have a natural power to INFLUENCE good things to people around us… and we can always CHOOSE to MAKE A DIFFERENCE for the betterment of the general public.
Even if we voted and put them in position, we shouldn’t leave all the work to our country’s leaders. No single person on Earth can save everyone every time. We all must take part if we want a better place, a better society, a better Philippines. And for that, let us support and put into practice the aspirations of “Ako Mismo” and “Ako ang Simula”. These advocacies are a subtle call to awaken the hero in ourselves. Remember that no one needs to be SUPER in anyway to be called a hero.
This book rocks! 5 stars for Kapitan Sino. A million more for Bob Ong. Looking forward for his next big hit! ^^,
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~`
More quotes to love from “The Silver Book”
“Ang pinakamahalagang bagay sa mundo, hindi nakikita ng mata.”
“Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.”
“Higit ka sa maganda… higit sa makikita ng mata at matatanaw ng diwa… higit sa maipipinta ng awit… at malililok ng salita… higit sa malilipad ng pangarap at masisisid ng tula… higit ka sa pinakamagandang katha.”
“Hindi alam ng mga tao kung mali na ang ginagawa nila… Pero hindi rin nila ginagawa ang alam nilang tama!”
“Walang pag-asa ang mga taong naghahanap ng mga kakaibang nilalang na magliligtas sa kanila.”
“Hindi ka bayani dahil sa mga kaya mong gawin. Bayani ka dahil sa mga ginawa mo.”
“Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka at gusto mong tumulong. Pero wag mong kakalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka…hindi ikaw ang magiging huli…hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan yon para mawalan ka ng pag-asa at tumigil sa pagbibigay nito.”
…and I really like this one.
Tessa: “Naisip mo na ba kung kunyari hindi ka taga-earth, at sa buwan ka talaga nakatira?”
Rogelio: “Pwede.”
Tessa: “Hindi ka ba malulungkot dahil walang mga tao doon?”
Rogelio: “Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”

“Sa pagiging Kapitan Sino ko lang naisip na ang tanong ay hindi kung bakit magulo ang mundo, kundi kung ano ang magagawa ko.”
- Makaka-relate kahit sino sa librong to’. Karamihan ng mga eksena sa libro ay nangyayari talaga sa totoong buhay (pangit man ung iba at mahirap aminin, pero totoo).
wow. nabasa mo na rin.
di ko na-take note yang quote mo. nice. ^^,